Saligan 1: Ang sibilisasyon ay hindi at hindi kailanman magiging sustenable. Ito’y tunay lalo na sa industriyal na sibilisasyon.
Saligan 2: Madalas hindi boluntaryong sinusuko o binibenta ng tradisyunal na komunidad ang mapagkukunan kung saan dito nakabatay ang kanilang komunidad hanggang silay mawawasak. Sila’y hindi rin kusang loob na pumapayag na sirain ang kanilang lupang pinagbabatayanng sa gayon ang iba pang mapagkukunan- ginto, langis atbp ay maaaring kunin. Sumunod dito sino man ang nagnanais ng mapagkukunan ay gagawin ang lahat upang wasakin ang tradisyunal na komunidad.
Saligan 3: Ang ating paraan ng pamumuhay- sibilisasyong industriyal -ay nakabatay sa, nangangailangan ng, at madaliang babagsak na hindi kasama ang patuloy at laganap na karahasan.
Saligan 4: Ang sibilisasyon ay nakabatay sa isang malinaw na pagdedepina at malawakang pagtanggap subali’t kadalasa’y hindi nauunawaang hirarkiya. Ang karahasan na ipinapatupad ng mga nasa itaas sa hirarkiya sa mga nasa ibaba ay hindi halos madalas nakikita, iyan ay, hindi napapansin. Kung mapapansin, ito ay ganap na isinasakatwiran. Ang karahasan na ginagawa ng mga nasa ibaba sa hirarkiya sa mga nasa itaas ay hindi maiisip, at kung mangyayari man ay minamasdang mabuti kasama ang pagkabigla, pagkatakot at ang petisisasyon sa mga biktima.
Saligan 5: Ang ari-arian ng mga nasa itaas sa hirarkiya ay mas mahalaga kaysa sa buhay ng mga nasa ibaba. Katanggap-tanggap para sa mga nasa itaas na dagdagan ang halaga ng mokokontrol nilang ari-arian- sa pang-araw-araw na pananalita, upang kumita ng salapi -sa pamamagitan ng pagwasak o pagkitil sa buhay ng mga nasa ibaba. Ito ay tinatawag na produksyon. Kung sisirain ng mga nasa ibaba ang ari-arian ng mga nasa itaas, maaaring papatayin ng mga nasa itaas o kung hindi man ay sisirain nila ang buhay ng mga nasa ibaba. Ito ay tinatawag na hustisya.
Saligan 6: Ang sibilisasyon ay hindi maililigtas. Ang kulturang ito ay hindi sasailalim sa anumang uri ng boluntaryong transpormasyon sa isang matino at sustenableng pamamaraan ng pamumuhay. Kung hindi tayo kikilos upang mapahinto ito, patuloy na pahihirapan ng sibilisasyon ang malawakang mayorya ng mga tao at hahamakin ang planeta hanggang sa ito’y( sibilisasyon, at marahil ang planeta)babagsak. Ang epekto ng ganitong degradasyon ay patuloy na magdudulot ng pinsala sa mga tao at sa iba pang nilalalang sa napakahabang panahon.
Saligan 7: Sa tagal ng ating paghihintay upang ang sibilisasyon ay babagsak- o sa tagal ng ating paghihintay bago tayo mismo ang magpabagsak nito – mas lalong magulo ang kahinatnan ng pagbagsak, at mas lalong higit na napakasama ang mangyayari sa mga tao at sa iba pang nilalalang na nabubuhay sa ganitong panahon, at para sa mga mabubuhay sa susunod.
Saligan 8: Ang pangangailangan ng natural na daigdig ay mas mahalaga kaysa sa pangangailangan ng sistemang pang-ekonomiya.
Ibang paraansa pagpapahayag ng Saligan 8: Anumang pang-ekonomiya o panlipunang sistema na hindi makikinabang ang natural na mga komunidad kung saan dito sila nakabatay ay hindi sustenable, imoral at walang saysay. Ang sustenableng pamumuhay, moralidad at karunungan(pati na rin ang hustisya) ay nangangailangan ng pagbuwag sa anumang klaseng pang-ekonomiya o panlipunang sistema, o kahit man lang sa pinakaunting magagawa ay hindi ito pahihintulutan na sirain ang iyong lupang pinagbabatayan.
Saligan 9: Bagama’t malinaw na balang araw magkakaroon ng mas kaunting mga tao kaysa mayroon tayo ngayon, napakaraming paraan na ang reduksyon sa populasyon ay maaaring mangyari (o makakamtan, depende sa pasibidad o aktibidad kasabay ang ating pagpili upang mapalapit tayo sa ganitong transpormasyon). Ang ilan ay maisasalarawan sa pamamagitan ng matinding karahasan o kagipitan: nukleyar armagedon, halimbawa, ay makakapagbawas ng parehong populasyon at pagkonsumo, bagama’t ito’y nakakapangilabot; ito rin ay mapapatunayan tulad sa patuloy na obersyut(kung saan ang populasyon ay lalampas sa pangmatagalang kapasidad na kayang dalhin ng kanyang kapaligiran), na susundan ng pagbagsak. Ang iba pang kaparaanan ay maisasalarawan sa pamamagitan ng mababang karahasan. Nakatakda ang kasalukuyang antas ng karahasan ng kulturang ito laban sa parehong mga tao at sa natural na daigdig, gayunpaman, hindi na posibleng magsalita tungkol sa reduksyon ng populasyon at pagkonsumo na hindi kasangkot ang karahasan at kagipitan, hindi dahil na ang pangangailangan ng reduksyon ay kaakibat ang karahasan, ngunit dahil ang karahasan at kagipitan mismo ay siyang hindi binabayaran ng ating kultura. Bagama’t ang ilang mga kaparaanan ng kabawasan sa populasyon at pagkonsumo, kahit na ito’y marahas parin, ay binubuo ng pagpapababa ng kasalukuyang antas ng karahasan- kailangan at sanhi sa pamamagitan ng (madalas sapilitang) paglipat ng mga mapagkukunan mula sa mahihirap papunta sa mayayaman-at tiyak na mababahiran sa pamamagitan ng reduksyon sa kasalukuyang karahasan laban sa natural na daigdig. Personal man o kolektibo ay maaari tayong kumilos upang parehas na mababawasan ang dami at pahinain ang katangian ng karahasan na magaganap sa panahong ito na patuloy at marahil isang pangmatagalang termino ng pagbabago. O kaya’y hindi natin ito magagawa. Subali’t ito ang mas tiyak: kung hindi natin ito aktibong haharapin -kung hindi natin pag-uusapan ang ating mga suliranin at kung ano ang gagawin natin dito-ang karahasan ay halos walang duda na mas magiging malala, ang kagipitan ay mas higit na titindi.
Saligan 10: Ang kultura sa pangkalahatan at karamihan sa mga miyembro nito ay wala sa matinong pag-iisip. Ang kultura ay tumatakbo sa pamamagitan ng pang-uudyok sa kamatayan, ang pang-uudyok sa pagsira ng buhay.
Saligan 11: Buhat sa simula, ang kulturang ito-sibilisasyon- ay naging isang kultura ng pananakop.
Saligan 12: Walang mayayaman na tao sa mundo, at walang mahihirap na tao. May mga tao lamang. Ang mayayaman ay maaaring magkakaroon ng maraming pirapirasong berdeng papel na marami ang nagkukunwaring ito’y may halaga- o ang itinuturing nilang kayamanan ay maaaring higit pang abstrak: numero sa hardrayb sa mga bangko- at maaaring wala nito ang mahihirap. Ang “mayayaman” ay umaangkin na pagmamay-ari nila ang lupa, at ang “mahihirap” ay madalas ay pinagkakaitan ng karapatan upang gumawa ng parehong pag-angkin. Ang isang pangunahing layunin ng mga pulis ay ipatupad ang panlilinlang ng mga taong may maraming pirapirasong berdeng papel. Ang yaong walang berdeng papel ay karaniwang bumibili sa mga ganitong klase ng panlilinlang na halos kasingbilis at ganap sa mga mayroon. Ang panlilinlang na ito ay magdadala kasama nila ang matitinding konsikuwensiya sa tunay na mundo.
Saligan 13: Ang nasa kapangyarihan ay namamahala sa pamamagitan ng dahas, at habang mas maaga na mapalaya natin ang ating mga sarili sa mga ilusyon salungat nito, maaga rin na maaari tayong magsimulang gumawa ng mga makatwirang desisyon tungkol sa kung, kailan, at paano tayo lalaban.
Saligan 14: Mula sa kapanganakan-at marahil mula sa pagkamulat, bagama’t hindi ako sigurado kung paano ko nais ipahayag ang kasong ito – tayo ay isa-isa at kolektibong nainkultura upang kamuhian ang buhay, kamuhian ang natural na daigdig, kamuhian ang kagubatan, kamuhian ang mga mababangis na hayop, kamuhian ang mga babae, kamuhian ang mga bata, kamuhian ang ating mga katawan, kamuhian at katakutan ang ating emosyon, kamuhian ang ating mga sarili. Kung hindi natin kinamumuhian ang daigdig ,hindi natin pahihintulutan na masira ito bago pa natin ito masaksihan. Kung hindi natin kinamumuhian ang ating mga sarili, hindi natin pahihintulutan na ang ating mga tahanan- ang ating mga katawan – ay malalason.
Saligan 15: Ang pag-ibig ay hindi nagpapahiwatig ng pasipismo.
Saligan 16: Ang materyal na daigdig ay pangunahin. Hindi ito nangangahulugan na ang ispiritu ay hindi umiiral, o ang materyal na daigdig ay siya lamang ang lahat. Ito’y nangangahulugan na kahalo ng ispiritu ang laman. Nangangahulugan din ito na ang mga kaganapan sa tunay na daigdig ay may kaakibat na konsikwensiya sa tunay na daigdig. Nangangahulugan ito na hindi tayo maaaring umasa kay Hesus, Santa Claus, ang Dakilang Ina, o kahit ang Easter Bunny upang maalis tayo sa kaguluhang ito. Nangangahulugan ito na ang gulong ito ay tunay na kaguluhan, at hindi lang makikita sa galaw ng kilay ng Diyos. Nangangahulugan ito na kailangan nating harapin ang kaguluhang ito. Nangangahulugan ito na sa mga panahong andito tayo sa daigdig- o kung hindi o mapupunta man tayo sa iba pang lugar pagkatapos nating mamatay o kung tayo man ay babatikusin o kikilalaning may prebelihiyo na manirahan sa lugar na ito- ang mismong punto ay ang daigdig. Ito ang pangunahin.Ito ang ating tahanan.Ito ang lahat ng bagay. Isang kahangalan na mag-isip o kumilos o umakto na para bang hindi tunay at pangunahin ang daigdig na ito. Isang kahangalan at kabiguan na hindi natin panahanan ang ating buhay na waring ang ating buhay ay tunay.
Saligan 17: Isang pagkakamali (o mas marahil, pagtanggi) na ibabatay ang ating mga desisyon kung ang pagkilos na manggagaling sa kanila ay makakapagbigay takot o hindi sa mga nagpoprotesta, o sa mga masa ng Amerikano.
Saligan 18: Ang ating kasalukuyang pag-unawa sa sarili ay walang higit na sustenable kaysa sa ating kasalukuyang paggamit ng enerhiya o teknolohiya.
Saligan 19: Ang problema ng kultura ay mananatili higit sa lahat sa paniniwala na ang pagkontrol at pang-aabuso sa natural na daigdig ay makatwiran.
Saligan 20: Sa loob ng kulturang ito, ang ekonomiya -hindi ang kabutihan ng komunidad, hindi ang moral, hindi ang etika, hindi ang hustisya, hindi ang buhay mismo- ang nagpapatakbo sa panglipunang desisyon.
Modipikasyon ng Saligan 20: Modipikasyon ng Saligan 20: Ang panglipunang desisyon ay tumutukoy unang-una(at madalas ekslusibo) sa batayan kung ang desisyong ito ay makakapagpadagdag ng monetaryong kapalaran sa mga gumagawa ng desisyon at sa kanilang pinaglilingkuran.
Re-modipikasyon ng Saligan 20: Ang panglipunang desisyon ay tumutukoy unang-una(at madalas ekslusibo) sa batayan kung ang desisyong ito ay makakapagpadagdag ng kapangyarihan sa mga gumagawa ng desisyon at sa kanilang pinaglilingkuran.
Re-modipikasyon ng Saligan 20: Ang panglipunang desisyon ay itinatag unang-una (at madalas ekslusibo) sa halos ganap na hindi sinusuring paniniwala kung saan ang mga gumagawa ng desisyon at ang kanilang pinaglilingkuran ay may karapatan na palakihin ang kanilang kapangyarihan at / o pinansiyal na kapalaran kahit dulot nito’y pinsala sa mga nasa ibaba.
Re-modipikasyon ng Saligan 20: Hukayin mo man hanggang sa puso nito- kung may puso pa mang natitira- matutuklasan mo na ang panglipunang desisyon ay tumutukoy unang-una sa batayan kung gaano kahusay ang desisyong ito na maglingkod sa paghahatid kahinatnan ng pagkontrol o pagsira sa natural na kalikasan.
Salin-Nilay sa Filipino
Mula sa aklat na Endgame Vol 1 The Problem of Civilization
ni Derrick Jensen
Filed in Tagalog